State of calamity Leyte pinadedeklara

HIHILINGIN ni Gov. Carlos Jericho “Icot” L. Petilla sa Sangguniang Panlalawigan ng Leyte sa pangunguna ng presiding officer at Vice-Governor Mimiette S. Bagulaya na magpasa ito ng resolusyon para makapagdeklara ng State of Calamity sa lalawigan.

Hiniling ng gobernador ang pagdedeklara makaraang mag-iwan ng matinding damage ang nakaraang bahain at magaroon ng landslide ang naturang lungsod.

Ayon kay Leyte First District Board Member Roque Tiu, hindi sila nagkapagdeklara ng state of calamity noong nakaraang linggo dahil ang ibang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ay hindi makaalis sa kani-kanilang mga bayan dahil sa baha.

Makakatulong umano ang pagdedeklara ng State of Calamity sa mga taong apektado dahil pupuwede silang makapag-avail ng calamity loans sa mga ahensiya ng gobyerno. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply