State of emergency idineklara na sa Yemen

ISINAILALIM na ni President Ali Abdullah Saleh ang Yemen sa national state of emergency.

Ito ay bunsod ng pagkamatay ng 45 katao at pagkasugat ng 270 matapos na paulanan ng bala ng mga armadong kalalakihan ang rally ng mga anti-government sa Sanaa, ang kapital ng Yemen.

Mariin namang itinanggi ng presidente ng naturang bansa na kagagawan ng kanyang kampo ang pamamaril.

Ayon sa ulat, nakapuwesto umano ang mga sniper sa itaas ng mga gusali kung saan idinadaos ang rally.

Kaugnay nito, kinondena ni  US President Barack Obama ang kaguluhan sa Yemen at nanawagan siya kay President Saleh na payagang magdaos ang mamamayan ng tahimik na kilos protesta. Remate Online

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply