Sundalo arestado sa droga

HIMAS-REHAS na ang isang sundalong natimbog sa isang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 11 noong Marso 8.

Ang nasabing sundalo ay kabilang sa watch list ng mga drug personality ng bansa.

Sa isinumiteng ulat ni PDEA Region 11 Director Emerson R. Rosales kay PDEA Director General Jose S. Gutierrez Jr., kinilala ang nahuling si Army Corporal Jamel Sulayman Abdul o alyas Jomar, 36, nakatalaga sa  61D, 40 Infantry Battalion, ng Philippine Army, na may AFP Serial Number 819684 at residente ng Poblacion 1, Parang, Maguindanao.

Nakuha kay Sulayman ang  0.04 gramo ng shabu at isang pirasong P1,000 marked money na ginamit sa naturang buy-bust operation.

Dahil dito, nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) ng Article II ng  Republic Act 9165.

Sakaling mapatunayang nagkasala ang naturang sundalo ay maaring maparusahan ng habambuhay na pagkakabilanggo maliban sa pagsibak sa kanyang serbisyo. Alex Ching

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply