Sundalong pinagmulan ng torture video patay na?

PATAY na umano ang sundalong kasapi ng Army 9th Infantry Division na pinagmulan ng torture video na kumakalat ngayon sa iba’t-ibang social networking na nagpapakita kung paano pinahihirapan ng mga trainors ang mga candidate soldiers.

Ayon kay Army Col. Domingo Tutaan, Armed Forces  of the Philippine Human Rights Office chief,  base sa mga inisyal na impormasyon na kanilang nakalap ay napatay ng mga New People’s Army (NPA) ang isang sundalo na may rangong Private First Class na may hawak ng video.

Subalit nilinaw ni Tutaan na ayaw niyang pangunahan ang isinasagawang imbestigasyon ng Philippine Army, bagamant sinabi  nito na ang video ay kuha umano sa pamamagitan ng cellphone ng sundalong may ranggong PFC na dumanas ng physical abuse.

“I don’t want to pre-empt the investigation of army, but allegedly this video was taken from the celphone of a soldier a pfc who was subjected to physical abuse. From what we gathered, the soldier was liquidated by the NPA,” ani Tutaan

Nabatid na nakipag-ugnayan kaagad si Tutaan kay Commission on Human Rights Chairman Etta Rosales hinggil sa isyu ng torture video at sa muling paglutang ng isyu hinggil sa umano’y pagdukot ng military sa nawawalang si Jonas Burgos.

Kaugnay nito inatasan ni AFP Chief-of-Staff  Gen. Eduardo Oban si Tutaan na bumuo ng technical working group upang pag-aralan ang report ng CHR hinggil sa kaso ni Burgos at bigyan sila ng tatalong araw na ultimatum upang magbigay ng kanilang rekomendasyon. Verlin Ruiz

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply