Sunog month

ISA SA mga paborito kong proyekto noong Konsehal ako ng Quezon City ay fire extinguishers at fire hydrants.

Daan-daan ang naipamahagi ng opisina ko na fire extinguishers at nakapagpatayo ako ng fire hydrants sa barangay Roxas, Tatalon at Sto. Nino sa QC.

Marami ang nagpahalaga sa proyekto kong iyon dahil para sa mga kababayan natin at para sa akin kasi mahalaga ang first line of defense laban sa sunog. Importante na laging mag-iingat sa sunog.

Hindi ba nga, mas mabuti pa daw na manakawan kaysa masunugan dahil sa sunog lahat masisimot, wala talagang matitira.

Buwan ng Marso na naman, ang tinaguriang fire prevention month. Siguro dahil mainit talaga ang buwan ng Marso kaya naman kumpara sa ibang mga buwan, mas marami talagang insidente ng sunog sa buwang ito kaya kailangan talaga ang dagdag na pagiingat.

Hindi naman imposible na maiwasan ang sunog. Kailangan lang maging matalino at laging alerto.

Mga basic tips: huwag pabayaan ang mga bata sa bahay na maiwan na walang bantay lalo kung may gamit na gasera ang pamilya. Ang simpleng – don’t play with fire – ay mahalaga at napakaimportanteng payo. Ang simpleng pagpatay sa mga electric appliances kung hindi ginagamit ay hindi lang fire prevention tip, savings tip din ito, kasi mahal talaga ang kuryente kapag Marso, marami kasing gumagamit, mas nagagamit ang aircon at electric fans, at dahil bakasyon sa eskwela mas laging bukas ang mga TV at computers, kaya pag mas madalas naka-off ang mga electric appliances mas makakatipid sa kuryente and at the same time, safe tayo sa isa sa mga pwedeng pagsimulan ng sunog – ang mga naiiwang naka-plug na mga de-kuryenteng kasangkapan.

Taun-taon, inaalala natin ang fire prevention month tuwing Marso pero marami pa ring nangyayaring sunog.  Sana iba na sa taong ito, sana mas kumonti ang insidente ng sunog.

Lalo ngayon na nagmahal na naman ang presyo ng langis, mas mahal naman ang presyo ng bilihin, pati electric bills siguradong tataas.  Mag-ingat po tayo sa sunog at magtipid sa kuryente, dalawang payo na mahalagang maalala ngayong buwang ng Marso.

Mag-email po kayo sa akin tungkol sa isyung ito sa ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin ang inyong opinyon
. Ariel Enrile-Inton

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply