Sunog sa Kyusi, 1 sugatan

ISANG katao ang nasugatan habang daan-daang pamilya ang nawalan ng bahay makaraang matupok ang isang residential area sa Quezon City, Miyerkules ng gabi, Marso 16.

Nagsimula ang naturang sunog bandang 7:23 p.m. sa Brgy. Culiat, Quezon City na umabot sa Task Force Bravo na naapula dakong 10 p.m., ayon sa report ng dzBB.

Nagtamo naman ng second-degree burn sa mukha si Jun Leyba.

Ayon naman kay Metro Manila fire marshal Chief Superintendent Santiago Laguna, tinatayang P10 milyon ang nasira ng naturang sunog.

Kaugnay nito, agad na pumunta si City Mayor Herbert Bautista at agarang pinag-utos kay Garcia na mabigyan ng pansamantalang matutuluyan ang mga residente. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply