Sunog sa Parañaque, 60 pamilya homeless

NAWALAN ng tahanan ang may 60 pamilya makaraang matupok ng apoy ang 30 kabahayan sa isang residential area sa Parañaque City, Huwebes ng gabi, Marso 3.

Ayon sa report ng dzBB, naganap ang sunog bandang 8:30 p.m. sa Fourth Estate, San Antonio village na umabot sa ikaapat na alarma at naapula lamang bandang 9:54 p.m.

Ayon kay Parañaque fire marshal Superintendent Manuel Manuel, tinatayang 30 hanggang 40 ang bahay na natupok ng apoy.

Wala namang napaulat na nasugatan habang tinatayang P300,000 hanggang 400,000 ang halagang napinsala ng naturang sunog. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply