Suplay ng langis sa ‘Pinas hindi kukulangin – PNoy

TIWALA si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na hindi kukulangin ang suplay ng produktong petrolyo sa Pilipinas.

Ito ay matapos tiniyak ng Indonesia at Singapore na tutulong ang mga ito sa pagpapatatag ng suplay ng langis sa bansa.

Umaasa naman ang Pangulo na huhupa na rin ang tensyon sa Gitnang Silangan na nakaaapekto sa presyuhan ng langis.

Samantala, mainit na tinanggap nina Singaporean President S.R. Nathan at Prime Minister Lee Hsien Loong ang Pangulo sa ceremonial welcome sa Istana (ang katumbas ng Malacañang Palace sa Singapore) na sinundan ng mga pagpupulong at isang working lunch.

Dinepensahan din ng Pangulo ang pagsasama niya sa dating runningmate at  “chief troubleshooter” na si dating Sen. Mar Roxas sa nasabing state visit.

Anang Pangulo, malaki ang naitulong ng pagsama ni Roxas sa kanyang state visits dahil may personal umanong relasyon ang dating senador sa mga Singaporean officials at mga negosyante sa Indonesia.

Ayon sa Pangulo, mas napabilis ang pakikipag-usap nila sa mga opisyal at negosyante sa mga nasabing bansa.

Nilinaw din ni Aquino na sariling pera ang ginastos ni Roxas sa nasabing state visits kaya’t sa halip aniya na pinupulitika si Roxas ay dapat pagtuunan na lamang kung paano matutulungan ang mga kababayan.  Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply