Suplay ng tubig laban sa sunog tiyakin

ITULOY natin, mga Bro, ang ating talakayan ukol sa sunog kaugnay ng buwan ng Marso na buwan ng “fire prevention.”

Mahalaga talaga ang pagiging conscious natin na mas mabuting gumawa tayo ng mga paraan para hindi magkasunog sa ating mga lugar.

Ngayon, nagkakaroon na ba tayo ng mga pag-aaral sa ating mga tahanan, kusina, opisina, garahe, gusali, sasakyan at iba pa para matiyak na good ang lahat at walang magaganap na sunog?

Siyempre pa, ibang usapan yang mga kasong may arsonista.

May mga nanununog dahil sa insurance at pagkalugi ng kanilang mga negosyo.

Iba pa ang mga kapabayaan sa mga kagamitan at panununog na bunga ng pagtitrip ng mga durugista.

Tunay ngang maganda na tumulong ang lahat para sa pagtitiyak ng kawalan ng sunog.

Pero kung nagkakaroon na tayo ng pagdududa, magandang komunsulta tayo sa mga fire brigade sa ating mga barangay o fire station para tulungan tayo sa ating isinasagawang pakikiisa sa fire prevention.

oOo

Kung nagkasunog naman, yang suplay ng tubig ang napakahalaga.

Para sa Metro Manila, ibinabalita ng mga taga-Angat, Ipo at La Mesa dam na hindi maganda ang suplay ng tubig sa Metro Manila.

Ang tanong ngayon, eh, paano makalalaban ang mga taga-Metro Manila sa sunog kung kulang o walang tubig sa kanilang lugar?

Sa ibang salita, mga Bro, dapat na gumawa ng paraan ang mga kinauukulan para sa pagkakaroon lagi ng suplay ng tubig na gamit laban sa sunog.

Kung kulang ang suplay sa tatlong dam, pupuwede bang gamitin ang tubig galing sa Laguna de Bay at Manila Bay?

Dapat pag-isipan ng mga awtoridad ang mga bagay na ito.

Mayroon nang mga eksperimento para magamit ang tubig sa 90 ektaryang lawa ng Laguna.

At marami na ring nagkoconvert ng mga tubig-alat bilang inumin.

Ngayon, puwede bang gawin ang mga ito ng mga kinauukulan?

Sa ibang salita, mga Bro, walang problema sa suplay ng tubig kung talagang gugustuhin ng mga kinauukulan na solusyonan ito.

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph
Benny Antiporda

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply