Survivor castaaway Ervic Vijandre at Sexbomb Aifah Medina buking na magkasama sa Hong Kong

CAUGHT in the act na magkasamang namamasyal sa Hong Kong ang Survivor Philippines Celebrity castaway na si Ervic Vijandre at ang dating Sexbomb girl na si Aifah Medina.

“Ano po kasi, bakasyon po ng family ko yun so niyaya ko lang po siya. E may mga kaibigan din pala siyang nandoon so sumama po siya,”bungad niya.

Pero paano nga ba nagkakilala sina Ervic at Aifah?

“Kay Aira (Bermudez) po, sa Survivor po. Yung mga party po ng Survivor, siyempre bestfriend po niya si Aira, yun medyo… kakuwentuhan ko si Aira, ah ano po, parang naging barkada po.”

Inamin ni Ervic na lumalabas sila ni Aifah.

“Tapos yun hanggang sa… ano naman po, parang… nagdi-date po kami! Ganun, getting-to-know.”

Sa puntong ito, nasa anong estado na ang relasyon nilang dalawa ni Aifah?

“Medyo close na po kami ngayon.”

May posibilidad ba na maging sila na?

“Ah, getting to know pa nga po,” ang tumatawang sagot ni Ervic.

*****

Misteryosong pag-ibig ni Enchong Dee

SINO ang misteryosang pag-ibig ni  Enchong Dee. Isa ring Kapamilya na ayaw niyang sabihin kung sino. Basta inspirado raw siya ngayon.

Hindi raw ito sina Erich Gonzales o Kim Chiu na nali-link sa kanya.

*****

NARINIG niyo na ba ang mga kumakalat na kuwento na may mga dinudukot na bata at kapag natagpuan ay patay na? Kinuha na ang kidney at lamang-loob at may nakalagay na P15,000 para pampalibing daw.

Sa hirap ng buhay, pati mga bata delikado na pag napabayaan at walang kasama. Anyway, may koneksyon ang ganitong kuwento sa indie movie na ginagawa ni Deanne Faye Viloria entitled “Lamang Loob.”

Si Deanne ay alaga ni Anthony Hernandez na bagong manager ni Snooky Serna under Starca Talent Management. Magkasama sila sa Lamang Loob.

“Gusto ko po tularan si Ate Snooky. Ang ganda niya at very professional sa shooting. Idol ko po siya,” buong ningning na pahayag ni Deanne.

Si Deanne ay dose anyos pa lang at may taas na 5’1″. Wish din niya na madiscover siya sa telebisyon at magkaroon ng teleserye.

‘Yun na! Roldan Castro

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply