Survivor ng tsunami sa Japan natagpuan

NAILIGTAS ang isang lalaki makaraan ang walong araw na malakas na lindol at tsunami sa Japan.

Nakuha ng mga rescuers ang hindi pa pinapangalanang lalaki sa isang sira-sirang bahay sa lungsod ng Kesennuma sa Miyagi Prefecture, isa sa pinakamatinding nasalanta ng naturang kalamidad, ayon sa NHK.

Nasa maayos ng kondisyon ang survivor at dinala sa pagamutan. Hindi pa nakakapagsalita ito na tila natruma dahil sa pangyayari.

Hirap ang mga rescuers sa isinasagawang operasyon sa ngayon dahil sa lamig ng panahon at patuloy na pagbuhos ng yelo sa naturang lugar. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply