Suspek sa pagpapasabog sa Batasan, tiklo

TIKLO ang suspek sa pagpapasabog ng South Wing Building ng House of Representatives na ikinasawi ni Cong. Wahab Akbar ng Basilan at mga empleyado ng Kamara.

Ang suspek na si Nawa Hainudin ay naaresto sa bahay ni dating Tuburan Mayor Hajarun Jamiri dakong 2:00ng madaling araw ng Lunes, Marso 14, 2011.

Naglabas ang korte ng warrant of arrest para kay Hainudin dahil sa pagkakasangkot nito sa Batasan bombing, 2001 Lamitan siege at pagdadala ng unlicensed firearm.

Sa naturang pasalakay ng PNP Special Action Force sa bahay ni dating Mayor Hajarun, nakakuha rin sila ng iba’t ibang uri ng baril at mga military uniform.

Wala umano ang dating mayor nang maganap ang pagsalakay. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply