Suspek sa pagpatay Maguindanao prosecutor, ipinalilipat ng kustodiya

INATASAN ni Justice Secretary Leila de Lima si Prosecutor General Claro Arellano para hilinging mailipat ng kustodiya ang naarestong suspek sa pagbaril kay Maguindanao Provincial Prosecutor Akilali Balt.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, inatasan niya si Arellano na maghain ng urgent motion sa Cotabato Regional Trial Court para sa paglilipat ng kustodiya ni Akmad Maliga.

Matatandaang si Maliga ang nagturo kay Buluan, Mayor Ibrahim “Diong” Mangudadatu, kapatid ni Maguindanao Governor Toto Mangudadatu, na umanoy utak sa krimen.

Sinabi ni de Lima na hindi malabong malagay sa panganib ang kaligtasan ni Maliga dahil maimpluwensyang pamilya ang mga Mangudadatu.

Una nang bumuo si de Lima ng panel of prosecutor na hahawak sa kasong isinampa laban kay Maliga at sila ring magsasagawa ng pag-iimbestiga tungkol sa posibleng pagkakasangkot ni Mayor Mangudadatu sa nasabing krimen.

Itinurong mastermind sa pagbaril kay  Balt ang kapatid ni Maguindanao Governor Ismael “Toto” Mangudadatu.

Sinabi ni de Lima na nagtungo na rin sa Cotabato si Prosecutor General Claro Arellano para bantayan ang kaso at ang kalagayan ni Balt na nananatili pa ring comatose sa ospital.

Si Balt ay pinagbabaril noong nakalipas na linggo sa Lungsod ng Cotabato habang siya ay papauwi. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply