Suspensyon sa PNP offc’l sa Euro-gen scam ibinasura

IBINASURA ng Court of Appeals (CA) ang kautusan na preventive suspension ng Ombudsman laban sa isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) na kasama sa Euro-general scandal.

Sa 14-pahinang decision ng CA 4th division, binaliktad ng korte ang six months preventive suspension na ipinataw ng Ombudsman laban kay PNP Budget Division Director Tomas Rentoy III.

Si Rentoy ay isa sa mga kinasuhan ng administratibo at kriminal kasama ang ilang matataas na opisyal ng pulisya tulad nina retired police comptroller Director Eliseo de la Paz na nahuling may dalang  105,000 euros o P6.9 million sa Moscow airport sa Russia noong 2008 nang dumalo sa 77th International Police General Assembly.

Sinabi ng CA na bigo ang Ombudsman na magbigay ng sapat na batayan upang masuportahan ang inilabas na preventive suspension laban sa nasabing opisyal.

Una nang nagpalabas ng temporary restraining order ang CA noong isang taon na pumipigil sa nasabing kautusan ng ombudsman. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply