Susunod na AFP chief papangalanan na sa Lunes

NAKATAKDA nang pangalanan ni Pangulong Benigno Aquino III ang susunod na mamumuno sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Lunes kasabay ng pagreretiro sa serbisyo ng kasalukuyang Chief of Staff General Ricardo David.

Nagbigay na ng “clue” ang Commander-in-Chief na ang katangian na maglilingkod sa sambayanang Pilipino ay hindi ang pansariling kapakanan ang nakikita niya na kanyang pipiliin sa susunod na liderato ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Subalit tumanggi muna ang Pangulo na isa-publiko ang pangalan na kabilang sa short list ng mga heneral na magkakalaban sa top post ng AFP.

Aniya, ang mahalaga ay ang kung sino ang higit na makatutulong sa kanya sa pagpapatupad ng reporma at modernisasyon sa AFP ang nakalalamang na kanyang basbasan na sumunod na pamunuan ang militar sa buong bansa.

Si Gen. David na nakatakdang magretiro sa Marso 8 ay inalok na rin ni Pangulong Aquino ng puwesto sa gobyerno.

Inihayag pa ni Pangulong Aquino sa mamamahayag noong isinagawang Command Conference sa Kampo Aguinaldo na sa kanyang pakikipag-usap kay Gen. David ay 100 porsyento na ito na tatanggapin ang puwesto sa gobyerno sa pagtatapos ng kanyang serbisyo bilang sundalo. Axel Sam

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply