SWS survey: Pinoy, hati kung karapat-dapat si Marcos sa Libingan ng mga Bayani

SA ginawang survey ng Social Weather Station noong Marso 4 hanggang 7, lumalabas na hating-hati ang mga Pinoy kung karapat-dapat bang ilibing si dating presidente Fendinand E. Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Sa tinanong na 1,200 na respondents, lumalabas na 50 porsiyento ang nagsabing karapat-dapat mailibing siya sa naturang libingan samantalang 49 porsiyento ang hindi. Ang natitirang isang porsiyento naman ay hindi tumugon.

Sa mga sumagot ng karapat-dapat, 30 porsiyento lamang ang nagsabing kailangan bigyan siya ng official honors at 20 porsiyento rito ay gusto na lamang na maging pribado ang gagawing paglilibing.

Si Marcos ay siyang pinakamahabang presidente na naglingkod sa bansa. Nagdeklara siya nag martial law na sinasabing nagbunsod ng maraming human rights violation. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply