Taas-pasahod di uubra

LALONG hindi makatutulong ang pagtataas ng suweldo ng mga manggagawa, ayon sa mga grupo ng employers.

Ayon kay Ed Lacson ng Employers’ Confederation of the Philippines, sa 39 milyong manggagawa sa Pilipinas, tatlong milyon lamang dito ang nasa tumatanggap ng minimum wage at mabibiyayaan sa wage increase.

Pahayag ni Lacson, magiging kawawa lamang dito ang maiiwang 36 million na sasalo sa tataas na presyo ng mga bilihin.

Mungkahi ni Lacson na dapat pagtutulungan ng gobyerno at mga negosyante ang problema dahil marami sa kanilang sector ay nahihirapan din at hindi kayang magbigay ng dagdag na pasuweldo.

Dahil dito, nanawagan si Lacson na kailangang magtiis-tiis muna ang lahat dahil babalik din sa normal ang presyuhan sa bilihin kapag nagkaroon ng stability sa presyo ng langis sa world market. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply