Tacloban binayo ng ulan; binaha, na-landslide

UMABOT sa lagpas tao ang baha at nagkaroon ng landslide bunsod ng ilang araw na malalakas na ulan sa lungsod ng Tacloban, iniulat Huwebes, Marso 17.

Binaha ang pinakamalaking subdibisyon ng lungsod ang V&G Subdivision kung saan pinalikas ng mga awtoridad ang mga naapektuhang residente.

Ayon sa panayam ng Remate.ph sa isang residente ng kalapit na lugar, nagkaroon na ng mga maliliit na landslide sa ilang lugar partikular sa Brgy. Abucay at Brgy. Nula-Tula kung kaya inilikas na ang mga ito.

Ayon pa sa panayam, naapektuhan ng landslide ang tahanan ng isang Jun Enoviso sa Brgy. Nula-Tula habang nabagsakan naman ng pader ang tahanan ng isang guro na si Angel Napari sa Brgy. Abucay.

Nangangamba na rin ang isang residente ng Imelda Subdivision ,kalapit ng V&G subdivision na si Perry Pancho at maging ang bahay ng kapitan nito na si Kapitan Boyen Ausa ay pinapasok na rin tubig ang bahay bunsod ng walang tigil na pag-ulan.

Kaugnay nito, sinuspinde na ng Dep Ed Tacloban Superintendent Ronilo Al Firma ang klase sa Elementarya at High School.

Wala pang naiulat na namatay at nasaktan sa naturang pagbaha. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply