Tamang hakbang ng Malakanyang

HABANG tumatagal ay tila lalong nagiging magulo ang sitwasyon sa Philippine Air Lines (PAL) na tinagurian pa namang flag carrier ng ating bansa.

Ang gulo ay sanhi na din ng walang katapusang iringan sa pagitan ng management at mga manggagawa ng nasabing kumpanya.

Sa isang panig ay ipinagpipilitan ng mga empleyado ang anila ay mga benepisyo na dapat ay matagal ng ibingay sa kanila ng pamunuan subalit ipinagpipilitan naman ng kabilang panig ang ilang salary at banefit packages na inilalaan nila sa mga manggagawa.

Bagamat ipinagpipilitan ng mga manggagawa ang kanilang karapatan ay ikinakatwiran naman ng management na sa ngayon ay hindi nila kayang ibigay lahat ang kanilkang kahilingan dahil nga sa nalulugi sila at hindi sapat ang kita ng kumpanya.

Ang resulta ? Siyempre walang ibang gagawin ang mga manggagawa kundi ang ilatag ang banta ng strike.

Sa mga karamihang kaso ng sigalot sa pagitan ng labor at management ay madalas na ang panig na pinipili ko ay ang panig ng mga mangagawa.

Pero sa  pagkakataong ito ay tila yata hindi makatwiran ang mga kahilingan ng mga empleyado sapagkat kung tutuusin ay mapalad pa nga sila dahil may trabaho sila at nasa maganda pa silang kumpanya.

Kaya marapat lamang ang ginawang pagpayag ng Malacanang sa hiling ng PAL management na payagan sila na mag outsource ng mga empleyado na magri-resulta sa pagkatanggal ng may 2,000 empleyado.

Medyo masakit ito pero dapat din kasi isaalang-alang ng mga manggagawa ng PAL na hindi lamang sila ang apektado kung mag-strike sila kundi siguradong mapaparalisa din ang kabuhayan at ekonomiya ng buong bansa.

May mga tinatawag na karapatan ang mga manggagawa pero hindi nila ito dapat samantalahin.

Kaya tama lang ang ginawa na ito ng palasyo na payagan ang PAL na mag outsource ng serbisyo at empleyado. Bobby Ricohermoso

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply