Tamang size ng bra

GIRLS, alam ninyo bang pito sa sampung babae ay mali ang size ng sinusuot na bra?

Mahalaga ang pagsusuot ng tamang size ng bra dahil involve dito ang kalusugan nating mga babae.

Kung tama ang size ng iyong bra ay paniguradong magiging komportable ka at maiiwasan pa ang pagkakaroon ng problema sa dibdib. Nakakasama kasi ang masyadong masikip na bra sa ating dibdib.

Ipinapayo rin ng health experts na ugaliing maglaan ng oras na walang suot na bra. Sa pamamagitan nito ay nakakahinga ang dibdib at maiiwasan ang pamumuo ng mga lymph dito.

Pagsukat ng size ng bra– Dalawang factor ang dapat isaalang-alang sa pagkuha ng size ng bra. Ito ay ang band size at ang cup size.

Pagkuha ng band size

1. Sukatin ang palibot ng iyong rib cage, direkta sa ilalaim ng dibdib. Siguraduhing pahalang ang posisyon ng iyong tape measure upang makuha ang accurate na sukat.

2. Kapag nakuha na ang sukat, i-round off ito sa nearest whole number. Kapag ang nakuhang numero ay even, i-add ang 4 inches; kapag odd, magdagdag ng 5 inches.

3. Ang sum ng proceedure na ito ay ang iyong band size.

Pagkuha ng cup size

1. Ilagay ang iyong tape measure paikot sa fullest part ng iyong dibdib. Siguraduhin na maayos ang pagkakalagay ng tape measure paikot sa dibdib.

2. I-round off ang nakuhang measurement sa nearest even number. Tapos kunin ang difference in inches sa pagitan ng nakuhang measurement at band size. Kapag nakuha mong difference ay 1 inch ito ay equal sa A cup; 2 inches ay katumbas ng B cup; 3 inches ay equal sa C cup; at ang 4 inches ay katumbas ng D cup.

3. Kapag ang nakuha mong band size kanina ay 36 inches, ibabawas mo ito sa nakuha mong sukat ngayon halimbawa, 38 inches, 38-36=2, so, ikaw ay may cup size na B.

Kapag alam mo na ang iyong tamang size ay madali na sa iyo ang pagpili ng komportableng bra.

Mapamahal o mapamura ang iyong bra ang mahalaga ay komportable ka at nakakahinga ang iyong dibdib. Narito ang ilang tips na dapat isaalang-alang sa pagpili ng bra:

1. Laging sukatin ang iyong dibdib. Maaari kasing nagbago ito, halimbawa, tumaba ka o kaya naman ay pumayat.

2. Isukat ang bibiling bra. Dapat ang cups ay hindi sakal sa dibdib at balat. Kung may bakal o underwire ito, siguraduhing nasa rib cage at ang center-front panel ay dapat nasa chest wall.

3. Tingnan ding mabuti ang back view. Siguraduhing ang band ay nasa gitna ng iyong likod at hindi ito tumataas o bumababa. Ang straps naman ay dapat na lapat sa balikat at hindi nag-iiwan ng pulang marka.

4. Isaalang-alang din ang materyal na ginamit sa bra. Halimbawa ang tela o lace na bahagi ng disenyo nito. Kapag sensitive ang balat mo, piliin ang all-cotton bras na maaaring less irritating sa iyo.

5. I-hand wash ang bra para naman tumagal ang buhay nito. Maaari kasing lumuwag ito agad kapag madalas na nilalabhan sa washing machine. Kapag maluwag na o masikip na ang bra, itapon na ito at palitan o kaya naman ay gawing basahan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply