Task force na titingin sa benepisyo at sahod ng mga guro itinatag

PARA siguruhin na matatanggap ng mga guro ang kanilang sahod at benipisyo sa tamang oras ay nagtatag ang Department of Education (DepEd) ng Task Force na mangangasiwa rito.

Sinabi ni DepEd Secretary Bro. Armin Luistro hindi na mangangamba ang mga guro na hindi makukuha ang kanilang sahod at benipisyo sa tamang panahon dahil mayroon nang tanggapan na titingin sa kanilang problema.

Itinalaga nang kalihim si Undersecretary for Finance Francisco Varela na mamamahala sa Task Force on Welfare and Benefit Package (TFWBP) at makakatuwang nito bilang vice chairman si Region 12 Director Isabelita Borres.

“In order to improve the delivery of services and to address better the  welfare and benefits package for the DepEd teaching and non-teaching employees, the task force will conduct a study on a comprehensive welfare and benefit for DepEd officials, teachers and administrative support staff,” ani Luistro.

“The task force shall review the existing welfare and benefits package available to DepEd teaching and non-teaching employees and shall come with new packages relevant to their emerging needs, including the possibility of providing health insurance coverage,”

Humigit-kumulang sa kalahating milyon ang mga elementary at high school public teachers sa buong bansa.

Naunang hiniling ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) at Teachers Dignity Coalition (TDC) na itaas ang sahod at benepisyo ng mga guro gaya ng medical insurance at hazard pay.

Samantala, inamin ng DepEd na na nabigo silang matapos sa itinakdang araw na binigay ng Government Service Insurance System (GSIS) para i-update ang service records ng mga miyembro nito partikular na ang sa mga guro. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply