Tatay babaero, 11-anyos nagbigti sa Guimaras

NAGPAKAMATAY ang 11-anyos na lalaki dahil sa sobrang pambababae ng kanyang ama sa Guimaras Island.

Naisugod pa sa Western Visayas Medical Center si Romel Tuyco II, ng Islander Village, Alibhon, Jordan, Guimaras pero hindi na umabot nang buhay.

Sa nakarating na ulat sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw kanina, Marso 30 sa loob ng kuwarto ng biktima.

Bago ito, nabatid na nagkaroon ng depresyon ang biktima nang malamang may ibang babae ang kanyang tatay at hindi na umuuwi sa kanilang bahay.

Simula noon, naging malungkutin na umano ang biktima at palaging nagkukulong sa kanyang kuwarto hanggang sa maabutan na lang ng kanyang pamilya na nakabigti na gamit ang lubid.  Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply