Tauhan ng rubber plantation owner dinukot

DINUKOT Lunes ng madaling araw ng mga armadong kalalakihan ang caretaker ng bahay ng isang rubber plantation owner sa lalawigan ng Basilan, sa ulat ng pulisya.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, pasado  ala-una ng madaling araw ay sinalakay ng mga aramdong kalalakihan ang nasabing bahay na pag aari ni Charlie Cowley sa may Aguinaldo St., Lamitan City.

Kinilalaa sa police report ang biktima na isang Boy Dela Cruz, tauhan ni Cowley na sinasabing may ari ng isang malaking rubber plantation sa nasabing lalawigan.

Subalit hindi binanggit sa ulat kung naroon ang negosyante ng salakayin ang tahanan nito ng mga armadong kalalakihan.

Patuloy ang sinasaagwang imbestigasyon ng Basilan-PNP sa insidente upang alamin ang motibo  ng mga suspek sa nasabing pananalakay at pagtangay sa nasabing caretaker. Verlin Ruiz

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply