2 tauhan ni Gov. Vilma Santos, todas sa ambush sa Batangas

2 tauhan ni Gov Vilma Santos utas sa ambush

PATAY ang dalawang tauhan ni Batangas Governor Vilma Santos matapos tambangan at  pagbabarilin  ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Lipa City, ayon sa ulat ng pulisya.

Sa inisyal na report na nakarating sa Camp Aguinaldo,  daglian ang naging kamatayan nina  Cesar Guce, 62, executive assistant and liaison officer on police matters sa  Batangas capitol, at driver nitong si  Randy Reyes, 34.

Ayon kay Batangas PNP Director P/Sr Supt Alberto Supapo, kapwa residente ng  Barangay Pinagtung-ulan, San Jose, Batangas.

Samantala, mapalad namang hindi nahagip ng bala ang kasama nilang binatilyo.

Nabatid na lulan ng Toyota Land Cruiser (XDV-736) ang mga biktima at patungong bayan ng Cuenca mula Lipa City nang sabatin sila ng tatlong armadong lalaki na sakay ng motorsiklo bandang 6:30 ng umaga sa kahabaan ng  JP Laurel Highway, Barangay Banay-Banay.

Matapos paputukan ay nawalan agad ng kontrol sa sasakayan ang driver dahilan para sumalpok sa isang tindahan sa gilid ng highway.

Nagawa pang maisugod ng ilang nakasaksi ang mga biktima sa  Mary Mediatrix Hospital subalit kapwa rin binawian ng buhay.

Nakuha sa pinagyarihan ng pamamslang ang 16 empty shells mula caliber 45 pistol.

Hinala ng pulisya na may kinalaman sa trabaho ang motibo sa pamamaslang sa liason officer at driver ni Santos.  Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply