Taxi driver dedo sa saksak ng mag-utol na kapitbahay

BINURDAHAN ng saksak sa katawan hanggang sa mapatay ang isang taxi driver makaraang pagtulungang saksakin ng magkapatid na lalaki sa Lungsod Quezon.

Ang biktima na nagtamo ng maraming saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ay nakilalang si Junior Abando, 29, ng 21 Rolling rd., Barangay Obrero, Quezon City.

Agad namang naaresto ang isa sa magkapatid na suspek na si Sonny “Liit” Bismonte, 26, habang nakatakas naman ang kapatid nitong si “Bitlog” Bismonte, 23.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng Quezon City Police District – Station 10, naganap ang insidente pasado 5:30 p.m sa Rolling rd. nang maghamon ng away sa tapat ng bahay ng biktima ang suspek na si Liit.

Sinasabing walang patid na nagmumumura at naghahamon ang suspek hanggang sa napikon at harapin siya ng biktima.

Habang nagpapang-abot ang dalawa ay dumating ang nakakatatandang kapatid ng suspek na si Bitlog.

Ayon sa mga saksi, pinagtulungan ng magkapatid ang biktima.

Nagtamo ng malalim na sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan si Abando dulot ng tama ng saksak na resulta ng maagang pagpanaw nito.

Matapos isakatuparan ang krimen, tumalilis sa pagtakas ang magkapatid na suspek habang nakahandusay at naliligo sa sariling dugo naman ang biktima.

Ang biktima ay agad na isinugod sa Delgado General Hospital ng mga nagmalasakit na kapit- bahay, subalit pagsapit sa pagamutan ay nalagutan din ito ng hininga. James de Jesus

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply