‘Technical problem’ ng LRT dapat ipaliwanag ng LRTA

DAPAT ipaliwanag ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang tunay na kahulungan ng “technical problem” na laging idinadahilan sa tuwing nagkakaroon ng abrerya ang kanilang mga tren.

Ayon sa National Council for Commuters Protection (NCCP) nagiging standard operational procedure (SOP) sa LRTA ang kanilang katwiran na nagkaroon ng problemang teknikal ang huminto o nagkadeperensyang tren.

Sinabi ni Elvira Medina, presidente ng NCCP, kinakailangan na umanong suriing maigi ang ipinapasadang tren na may ilang dekada nang nagbibigay serbisyo at pinagkakakitaan ng LRTA.

Kanina 9:14 ng umaga nang muling huminto ang LRT sa Carriedo station habang patungong Monumento naging dahilan para mabalam ang operasyon ng ilang minuto.

Sinasabing huminto ang tren dahil sa technical problem.

Ito na ang ikatlong ulit na nagkaroon ng abrerya ang operasyon ng LRT Line 1 dahil sa mechanical failure.

Nitong nakaraang Martes, isang northbound train din ang tumirik sa Carriedo station.

Nito namang Lunes, apat na pasahero ang nasugatan nang magkaroon ng stampede sa United Nations Avenue station nang magpanik at basagin ng commuters ang salamin para makalabas dahil sa umusok ang nasabing tren.

Dalawa sa mga nasugatan ay kinilalang sina Caroline Santos at Jennylyn Hagmit, na nagtamo ng mga sugat nang sumabit ang katawan sa binasag na salamin ng tren.

Sa mga pagkasira ng tren nitong nakaraang araw ay dapat nang tutukan ito ng LRTA upang maiwasan ang mas malaki pang aksidente dahil sa “nabubulok” na makina ng tren. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply