Temperatura sa Baguio, bumagsak sa 11.6 degrees Ceslsius

BUMAGSAK sa 11.6 degrees Celsius ang temperatura ng Baguio, madaling araw ng Marso 26.

Ito ay naitala ng PAGASA kaninang madaling-araw kung saan una nang napaulat na nakararanas ang bansa ng malamig na klima ngayong summer season dahil sa umiiral na hanging amihan.

Una nang sinabi ng Pagasa na makakaranas ang bansa ng malamig na klima ngayong summer season dahil sa umiiral na hanging amihan.

Nabatid kay City Tourism Officer Benny Alhambra na makikinabang ang lungsod sa malamig na klima lalo ngayong summer.

Ayon pa kay Alhambra, isa ang magandang klima sa dinarayo ng mga turista at bisita lalo na sa mga nagnanais magpalamig. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply