Tesda national free skill test inilunsad

SABAY-SABAY na inilunsad ngayong Lunes, March 28 ng Techincal Education and Skill Development Authority (Tesda) ang free assessment at certification service sa mga skilled worker sa buong bansa.

Ang 1st National TVET Competency Assesstment and Certification (NATCAC) ay naglalayong mapataas ang antas ng manggagawa upang kilalanin bilang pinakamagagaling na trabahador o empleyado sa buong bansa.

Ang paglulunsad ay pinangunahan ng Actress/TV host na si Kris Aquino na naging pagunganing tagapagsalita sa unang araw ng limang-araw na okasyon para sa mga umuwing overseas Filipino worker (OFW) na nawalan ng trabaho mula sa mga bansang nagkaroon ng kaguluhan at trahedya gaya ng Egypt, Libya at Japan.

Ayon kay Joel Villanueva, direktor ng Tesda, bukod sa mga OFW, umabot sa mahigit na 1,500 na local skilled worker ang nakiisa sa ginanap na assessment kaninang umaga sa Tesda Compound.

Ang bawat dumalo ay dadaan sa pagsubok ng kanilang kaalaman para sa trabahong kanilang papasukan. Ang free assessment and certificate ang magiging batayan ng isang aplikante bilang sandata sa pagtatrabahuhang kompanya.

Sinabi ni Villanueva na kailangang matulungan ang OFWs na bumalik ng bansa upang muling makabangon matapos na mawalan ng hanapbuhay dahil sa di magandang sitwasyon sa bansang pinanggalingan.

Sa kasalukuyan, aabot sa 80,000 OFW ang nawalan ng trabaho at dumaranas ng kahirapan. “Ngayon ang panahon na dapat natin silang tulungan, kailangan nating tulungang maiahon silang muli para matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya, ” pahayag ni Villanueva.

Sumailalim sa aktuwal na demonstration ang mga lumahok na skilled worker tulad sa paggawa o pagbuo ng mechatronics, refrigeration and air-conditioning,welding, instrument and control servicing, electrical installation and maintenance, medeical transcription, visual graphics, commercial cooking, housekeeping food and beverage services, computer hardware servicing, computer programming, service emission control automotive servicing, driving at small engine repair at marami pang iba.

Bukod dito,  idaraos din ang jobs fair sa pakikipag-tulungan ng Department of Labor and Employment (Dole), Overseas Worker Welfare Administration (OWWA), Philippine Overseas Employment  Administration (POEA) at JobStreet.

Ipakikita rin sa free training at skill demonstration ang mga pamamaraan sa manicure, pedicure at foot spa; libreng dental at medical service; newspaper bage weaving, newspaper accessories, sando bag weaving at water lily weaving at libreng gupit.

“Tesda is the government agency mandated to assess and certify the competencies of skilled workers, The National Certificate of Competency it awards to certified workers is  recognized by employers locally and aboard as a proof of their competence and capability to perform the required task of a specific qualifaication,” paliwanag ni Villanueva. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply