Text message ukol sa impeachment paiimbestigahan

PINAIIMBESTIGAHAN ng Minorya sa Committee on the Whole ng Kamara ang kumalat na text message na diumano’y nagmula kay Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya, chairman ng House committee on appropriations.

Ang message ay ukol sa lantarang pananakot sa mga miyembro ng Liberal Party na huwag lumiban, huwag mag-abstain at huwag tumutol sa articles of impeachment na ihahain ng House Justice Committee sa plenaryo.

Hiniling ni Minority Leader Edcel Lagman sa kanyang privilege speech bago ang botohan sa harap ng may 212 na kongresista na um-attend sa plenaryo na agad imbestigahan ang naturang pagkakalat ng text message.

“I  ask the leadership to immediately cause the investigation of this latest assault against our Institution, sabi ni Lagman.”

Tahasang sinabi ni Lagman, na paninira ang ganitong gawain sa Kamara. Ayon sa kanya,”the investigation must be undertaken by a Committee of the Whole because the entire Membership was maligned and threatened.”

Aniya, habang hindi pa naisasagawa ang imbestigasyon ay kailangang ikonsidera at pansamantalang isuspindi ang Committee on Justice.

Matapos ang talumpati ni Lagman ay agad ipinagtanggol ni House Majority Leader Neptali Gonzales Jr. si Abaya at sinabing hindi ito ang pinagmulan ng naturang text messasge.

Sinabi rin ni Gonzales na inatasan siya agad ni Speaker Feliciano Belmonte na imbestigahan ang text message matapos itong kumalat.

Nakapaloob sa text message na: “Frm Cong. Abaya – Favor kindly disseminate to all reps – LP and non-LPs. This shud b made clear to all. Those who will vote no or absent/abstain on impeachment will get 0 as in zero. At least walang sisihan that there was no forewarning. Thank you.” Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply