Texts ukol sa radiation pamumulitka vs PNoy

PANANAKOT lang ang mga kumalat na  text message na aabot sa Pilipinas ang radiation mula sa Japan matapos sumabog ang isa sa mga nuclear power plant doon.

Ayon kay Eastern Samar Rep. Ben Evardone, malayo sa katotohanan ang naturang mensahe.

May hinala pa ang kongresista na ginagamit umano ng mga kalaban sa pulitika ng administrasyon ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang text messages upang ipakita ang kahinaan nito at walang sapat na kakayahan upang resolbahin ang mga naka-ambang problema ng bansa.

Nakasaad sa mga kumalat na text message na natanggap rin ng Remate Online: “BBC Flashnews: Japan government confirms radiation leak at Fukushima Nuclear Plants.  Asian countries should take necessary precautions.  Remain indoors first 24 hours. Close doors and windows.  Swab neck skin with betadine where thyroid area is, radiation hits thyroid first.  Take extra precaution, radiation may  hit Philippines starting 4:00 pm today.”

Binigyang-diin ni Evardone na “malayo sa katotohanan” ang mga kumalat na text messages dahil nilinaw na ng mga eksperto, partikular mula sa Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) maging ng International Atomic Energy na nakabase sa Estados Unidos, na “contained” lamang sa isang lugar ang problema ng radiation kung saan naganap ang pagsabog.

Nanawagan pa si Evardone na tigilan na ang ganitong pananakot dahil sa halip aniyang makatulong ay lumilikha ito ng kalituhan sa panig ng publiko. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply