‘The Buzz’ pinakakasuhan ng QCPO

PINAGTIBAY na ng Quezon City Prosecutors Office (QCPO) ang reklamo ng GMA Network Inc. noong 2005 laban sa ilang empleyado ng “The Buzz” na programa ng ABS-CBN-2.

Nagreklamo ang Kapuso network sa ilang empleyado ng programang “The Buzz” dahil sa paglabag sa intellectual property law.

Partikular na inireklamo ang paggamit ng The Buzz noong Pebrero 13, 2005  ng video footages ng “Daisy Siete” na isang programa ng GMA. Napatunayang walang pahintulot ito mula sa Kapuso network.

Sa anim na pahinang resolusyon, inirekomenda ni Quezon City Asst. City Prosecutor Vesta Victoria Giner-Villamayor ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Sec. 217, na may kaugnayan sa Section 177 at 211 ng Intellectual Property Code, laban sa walong empleyado ng Kapamilya network.

Kabilang sa mga kinasuhan sina Nancy Yabut, executive producer ng “The Buzz”; Gia Nina Suyao, production manager; Jonathan Diaz, director; Roxy Liquigan, supervising producer; Lani Gutierrez, associate producer for technical matters; Jenny Ingalia, associate producer; Romer Gonzales, head writer; at Roldeo Endrinal, vice president  at TV production head for talk and variety programs.

Di naman madadawit sina ABS-CBN chairman at CEO Eugenio Lopez III, Luis Alejandro (president at CEO), Ma. Rosario Santos-Concio (EVP at head ng Entertainment Group), at Ma. Socorro Vidanes (Senior VP-TV Production) dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensiya.

“Despite allegations against them, no clear evidence was presented that they indeed participated directly or indirectly in the actual airing of the subject footage,” paliwanag ni Villamayor.

Hindi rin isinama sa kaso si Luis Andrada, kasalukuyang production manager ng “The Buzz” dahil hindi pa siya bahagi ng programa nang maganap ang insidente.

Sinabi ng piskal na ang FOCUS Entertainment Inc., ang may karapatang magpalabas ng mga footages ng programa samantalang ang GMA naman ang may karapatang i-ere ito sa telebisyon. Robert C. Ticzon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply