The Rock hiningal kay Charming Santi

SUMANDAL si multi-time Philippine Sportswriters Association (PSA) jockey-of-the-year Patty Ramos Dilema sa tulin ng kanyang sinasakyang si Charming Santi upang makopo ang three-year-old Conditions B1-2-C-C1 na ginanap sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Sa largahan, sumibat agad sa unahan si Nash na ginabayan ni class A rider AR Villegas subalit hindi ito binigyan ni Dilema ng pagkakataong mamayani sa unahan.

Bago pumasok ng backstretch ay kinuha na nina Charming Santi at hinete nitong si Dilema ang unahan upang magtuloy-tuloy na ito papunta sa meta.

Nalula naman sa tulin nina Charming Santi at Nash ang segundo liyamadong si The Rock kaya naman kinapos ito pagdating ng rekta

“Maikli ang 1,300 meter race kay Charming Santi kaya hindi na ako nagdalawang isip maibandera siya.” saad ng star jockey Dilema.

Sa home stretch apat na kabayo na ang lamang ni Charming Santi sa rumeremateng The Rock.

Omoras si Charming Santi ng 1:20.8 sa 1,300 meter race sapat upang masungkit ang added prize na P10,000 na inisposoran ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

Naabutan ni Lexibonn si The Rock sa segundo puwesto habang pumang-apat si Nash.
Samantala, nanalo si second favorite Ho Ho Ho kay top choice Faultless sa naganap na Class Division 1. Elech Dawa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply