Thia Megia pasok sa American Idol

PASOK na si Thialore “Thia” Lising Megia sa American Idol Season 10 Top 13.

Si Thia ang pinakabatang contestant sa edad na 15. Purong Pinoy ngunit sa California na ipinanganak at lumaki.

Kinanta ni Thia ang “Out Her On My Own” ni Irene Cara hango sa pelikulang “Fame” kung saan napahanga ni Thia ang mga hurado.

“When somebody’s pitch is so perfect, it doesn’t matter what you sing”, ayon kay judge Steven Tyler.

“It was so beautiful. It was a quite moment. You were there standing still and you captivated every single person in this room”, papuri naman ni J-Lo.

Matindi naman ang natanggap ni Thia kay Randy Jackson nang ikumpara siya sa kabataan ni Michael Jackson.

“Your tone reminded me of the tone of the late Michael Jackson.”

Proud si Thia maging isang pinoy. “I am the only Filipino on the top 13 so Filipino pride”, pahayag niya. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply