Thia Megia umaarangkada sa American Idol

Patuloy ang pag-usad ni Fil-Am Thia Megia sa season 10 ng American Idol. Isa si Thia sa nakapasok sa ginawang elimination round noong huwebes.

Kinanta ng labing-limang taong gulang na Fil-Am ang “Colors of the Wind” na isang hit ni Vanessa Williams.

Umani siya ng kritisismo sa tatlong hurado ng show subalit pinili siyang makapasok ng mga bomoto dahil sa ganda ng kanyang boses.

Tinanong siya ni Steven Tyler kung talaga bang iyon ang pinili niya para kantahin. Ayon naman kay Randy Jackson na bored daw siya at para bang nanonood lang siya ng beauty pageant. Si J-Lo naman ay nagsabi na maganda ang boses ni Thia subalit kulang ito ng sigla.

Sinabi naman ni Megia na kanyang pinili ang naturang kanta dahil ito ay naaayon sa nangyayari sa mundo ngayon.

Sa isang tweet sa kanyang twitter nagpasalamat ito sa lahat ng sumuporta sa kanya.

“Good morning my lovies! Thank you ALL for your support!!! Love you!,” ayon sa tweet ni Megia.-Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply