Tibay ng pampublikong gusali susuriin ng DPWH

SUSURIIN ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga pampublikong gusali kung kakayanin pa ng mga ito ang lindol na kasing-lakas ng tumama sa Japan.

Ayon kay DPWH Usec. Raul Asis, dalawa sa mga gusali na tututukan ng ahensya ay ang GSIS building kung saan nakatayo ang Senado ng Pilipinas, at ang Punta Tenement Building na kapwa marami ring bitak  na dulot ng mga nagdaang lindol.

Nag-aalala naman si Architect Jun Palafox sa mga pampublikong gusali gaya ng public schools at public hospitals dahil hindi umano siya sigurado kung tama ang ginamit na mga materyales sa mga ito dahil sa mga bidding ng proyekto sa gobyerno ay dapat na pinakamura ang mananalo sa mga kontrata.

Dahil dito, malaki umano ang posibilidad na tinipid ng mga contractors ang mga mga pangunahing materyales na ginamit sa pagtatayo ng mga ito. Ben Reyes

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply