Tigil-putukan simula na ng kapayapaan sa Libya

KUMPIYANSA ang Malakanyang na magiging maganda ang resulta ng idineklarang tigil-putukan ng Libya at pagpapatigil sa kanilang military operations.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ‘good sign’ iyon na hindi lalala ang tensyon sa nasabing bansa.

Ayon kay Valte, hangad nilang maresolba nang payapa ang kaguluhan lalo pa at may natitira pang OFWs doon.

“Sana magkaroon ng magandang development from the ceasefire,” ayon kay Valte.

Nauna nang inaprubahan ng UN Security Council ang no-fly zone resolution at handa na ang international military coalition na magsagawa ng military action laban sa puwersa ni Libyan leader Moammar Gadhafi.

Sinabi pa nito na inaasahan ng Malakanyang na magpapalabas ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng possible contingency plans para sa mga Pinoy sa Syria.

“We will have to coordinate with DFA kung ano ang naging hakbang due to the recent developments in Syria,” ayon kay Usec. Valte.

Sa Syria,  nagsagawa na ng  malawakang kilos-protesta ang anti-government demonstrators matapos ang kanilang panalangin sa kabila ng naging banta ng gobyerno na aarestuhin sila. Kris Jose

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply