Tikitera ng PUJ dedo sa pamamaril ng 3 holdaper

DEAD on the spot  ang isang 57-anyos na tiketera makaraang tamaan ng ligaw na bala na galing sa isang grupo ng mga holdaper habang hinoholdap ang isang dalaga sa Lungsod Quezon, ayon sa ulat ng pulisya Lunes ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si  Leonora Cruz, teller ng Munoz Roosevelt Vito-Cruz Jeepney Operators Driver’s Association (MRVJODA) na nagtamo ng tama ng bala sa ulo na siyang agad na ikinamatay nito.

Sa ulat ni  PO3 Modestino Juanson, may-hawak ng kaso, si Rose Ann Marino, 31, teller sa Waltermart ang target ng panghoholdap ngunit pumalag ito kaya napilitan umanong magpaputok ang mga suspek na naging dahilang para tamaan si Cruz.

Lumitaw sa  pagsisiyasat ni Juanson, tatlong mga kalalakihan, dalawa rito ay armado ng kalibre .45 baril habang ang isa ay nagsilbing look out na sakay ng motorsiklo ang nagtangkang humoldap kay Marino sa may Roosevelt Avenue corner San Antonio Extension, Barangay Katipunan ganap na 8:45 ng gabi.

Nang pumalag si Marino ay napilitang magpaputok ang mga suspek. Dahil sa takot ibinigay ni Marino ang  kanyang mga bag pagkatapos ay mabilis namang tumakas ang mga suspek gamit ang motorsiklo patungong Quezon Avenue. James de Jesus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply