Tiyuhin ni John Apacible kinasuhan na

KINASUHAN na sa korte ang tiyuhin ng aktor na si John Apacible na pumatay sa kanya noong nakaraang linggo sa Cainta, Rizal.

Ang suspek na si Armando Rustia,  61, dating seaman ay sinampahan ng kasong homicide ng Cainta town police sa Rizal provincial procecutor’s office.

Depensa naman ng suspek na self defense ang nangyaring pamamaril niya kay Apacible.

Gayunman, habang isinusulat ang balitang ito, si Rustia ay nananatiling nakaratay sa isang ospital sanhi ng pagtaas ng blood pressure nito.

Matatandaang sumuko si Rustia ilang oras matapos ang pamamaril kay Apacible. Robert C. Ticzon

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply