Tiyuhin ni John Apacible sumuko na

SUMUKO na ang tiyuhin ni John Apacible dakong 3:45 ng hapon kanina.

Si Armando Rustia, nakapatay kay John Apacible o Enrique Apacible sa tunay na buhay ay boluntaryong sumuko kay Senior Supt. Manuel Prieto, ng Rizal Provincial Police office, pagkompirma ni Southern Tagalog Police Director, Chief Supt. Samuel Pagdilao Jr.

Ayon kay Pagdilao, ang suspek ay iniskortan ni Supt. Erwin Eco at dalawang abogado nang isuko ang sarili kanina.

Nakatakda namang samahan ang suspek sa Rizal provincial office pabalik sa Cainta Municipal Police station para sa medical examination at imbestigasyon.

Nabatid na napatay ng suspek ang kanyang pamangkin gamit ang .9mm pistol sa loob ng bahay ng una sa Greenland Subd., dakong 2: 45 ng madaling-araw kanina, Marso 20.

Agad isinugod ang aktor sa Metro Rizal Doctor’s Hospital sa Cainta pero hindi na umabot nang buhay.

Nag-ugat ang krimen nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang magtiyuhin habang nag-iinuman. Anthony Vargas

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply