Tiyuhin ni John Apacible susuko na

KINUMPIRMA ngayon ng misis ng tiyuhin ng aktor na si John Apacible na anumang oras ay susuko na sa pulisya ang kanyang mister.

Ito ay kasunod ng insidenteng pagbaril sa nasabing aktor ng mismong kanyang tiyuhin na si Arman Rustia, retiradong seaman.

Ayon sa misis ng suspek na si Sarah, hindi tatakasan ng kanyang mister ang krimen dahil ipinagtanggol lang daw niya ang kanyang sarili kaya nabaril ang sariling pamangkin.

Kung hindi aniya umano binaril ng kanyang mister ang sariling pamangkin na halos doble sa kanya ang laki ng katawan ay malamang na siya na ngayon ang pinaglalamayan.

Kuwento ng misis ng suspek, nag-iinuman ang magtiyuhin nang magkaroon ng pagtatalo hanggang sa suntukin ni Apacible ang tiyuhin.

Hindi pa umano nakontento, hinabol pa ni Apacible ang kanyang tiyuhin kahit umakyat na ito sa kuwarto kaya humantong sa pamamaril ang insidente.

Nangyari ang krimen dakong alas 3:00 kaninang madaling-araw sa San Juan, Cainta.

Maliban sa bold movies, lumabas din si Apacible sa “Shake, Rattle and Roll VI” noong 1997.  Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply