TNT sinibak ang San Miguel

SINIBAK ng Talk ‘N Text Tropang Texters ang nangungulelat na San Miguel Beermen sa bisa ng 117-93 panalo Biyernes ng gabi, Marso 25, sa PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.

Ang ika-anim na sunod na panalo ng Tropang Texters ang nagluklok sa kanila sa itaas ng team standings sa hawak na 6-1 kartada.

Nanguna sa opensiba ng Tropang Texters si Paul Harris sa kinamadang 31 puntos habang nag-ambag ng 17 si Ali Peek at 16 naman si Harvey Carey.

Tuluyan namang napatalsik ang minamalas na Beermen matapos malasap ang ika-anim na kabiguan sa pitong laro.

Sa unang laro, binalewala ng Alaska Aces ang pagkawala ng import na si LD Williams sa kaagahan ng laro dahil sa flagrant foul para talunin ang Meraqlco Bolts sa overtime, 104-101.

Nagpasabog ng career-high 33 puntos si LA Tenorio para buhatin ang Aces sa ika-limang panalo sa pitong laro.

Naghabol ang Aces mula sa 11 puntos na pagkakadapa sa huling tatlong minuto ng regulation para mapuwersa ang extra period.

“It’s so unusual. It’s one of the more memorable ones that happened to us,” ani Alaska coach Tim Cone.

“I think it’s easier to play knowing that you don’t have an import because you can prepare for that. Losing an import early in the game is much harder. I was ready to concede but the players are ready to battle and they did.”

Nakatakda namang magharap ang Ginebra at Rain or Shine ganap na alas-6:00 Sabado ng gabi, Marso 26, sa Panabo City, Davao del Norte. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply