Tokyo kapos na sa bottled water

RAMDAM na ang kakapusan sa supply ng bottled water sa Tokyo, Japan dahil sa pagkakakontamina ng kanilang tubig sa radiation.

Nabatid na karamihan ng mga tindahan at groceries sa Tokyo ay wala ng stock ng bottled water. Nagpa-alala ang gobyerno ng Japan na huwag mag-panic at iwasang mag-imbak ng mga bottled water.

Ngunit ang pakiusap ng gobyerno ay binalewala ng mga tao kung saan lalo pang bumilis ang pagkaubos ng bottled water sa mga tindahan .

Kaugnay nito, ikinababahala na ng mga residente roon ang pagtatagal ng radiation leak sa kanilang lungsod.

“Kung magtatagal ang problemang ito, lubhang nakakabahala”, ayon sa isang residente.

Una nang nagbabala ang Amerika, Hong Kong at Australia sa produktong gatas at pagkain na galing Japan na maaaring kontaminado umano ng radiation. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply