Tokyo tap water kontaminado

NA-DETECH ang radioactive iodine sa tap water ng Tokyo sa Japan.

Ang nasabing antas ay higit sa safe limit para sa mga infant.

Ayon sa Tokyo Metropolitan government, na-detech noong Martes, Marso 22 ang 210 becquerels of iodine-131 sa isang litrong tubig mula sa purification plants sa northern Tokyo.

Sa isinagawang sampling kanina, Miyerkules ay na-detech ang 190 becquerels per liter.

Ang mga antas na ito ay mas mababa sa 300-becquerel per liter na safe limit para sa matatanda subalit masyadong mataas para sa 100-becquerel na limit para sa infant.

Pinayuhan ng lokal na pamhalaan ng Tokyo ang mga mamayanan nito na huwag painumin ang mga infant ng tap water.

Kasama din sa binalaan ang mga beverage maker sa mga apektadong lugar sa Tokyo na huwag gamitin ang tap water para sa infants’ drinks.

Ayon sa Tokyo government,  matatagalan pa ang para manumbalik sa dati ang ta water doon. Tiniyak din ng nila na hindi delikado sa kalusugan kapag nainom ang tap water sa maiksing panahon. NHK

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply