Tondo lalamunin ng lupa —Phivolcs

HINDI imposibleng lumubog o lamunin ng lupa ang mga coastal town sa Metro Manila gaya ng Tondo at iba pang slum areas na malapit sa dagat sakaling magkaroon ng malakas na paglindol ayon mismo sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Isa umano itong phenomena na tinatawag na liquefaction na maaaring maging resulta ng malakas na paglindol, ayon kay Renato Solidum Jr., director ng Phivolcs.

“Ito yung madalas na bahain at pagdating ng malakas na paglindol dito yung malakas na pag-uga at magkakaroon ng liquefaction,” paliwanag pa ni Solidum.

Sinasabing ang mga lugar na nasa tabi ng lawa at tabi ng mga baybayin ay natatabunan ng mga  buhangin at putik,  gaya ng Baseco Compound, Parola, Isla Puting Bato sa Tondo at iba pang slum areas o reclaimed lands.

Ito ang dahilan kaya ikinakasa ngayon ng pamahalaaan ang pagsasagawa ng earthquake drill para maging handa ang mga Pinoy sa nasabing kalamidad. Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply