Top spot sa Eastern Conference sinuwag ng Bulls

KASAMA sa plano ng Chicago Bulls ang mag top sa Eastern Conference upang makakuha ng home-court advantage sa conference Finals.

Bago ang laban ng Bulls kahapon, kasalo nila sa unahan ng EC ang Boston Celtics subalit kumalas na ang una matapos nilang talunin ang New Jersey Nets, 84-73 sa nagaganap na 2010-11 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Bukod sa opensa ay dumepensa rin ng mahigpit si Derrick Rose upang itarak ng Chicago ang pang-walong sunod na panalo at ilista ang 49-18 win-loss card sa EC Central division.

“That’s what we’ve been doing the whole year, playing defense,” ani Rose,”If our offense isn’t going, and that rarely happens, we rely on our defense. That’s what we did tonight, make it tough on them. At first, they were getting everything they wanted. Then we just closed down the paint and rebounded the ball.”

Tumikada si Rose ng 21 puntos, apat na rebounds at tig dalawang assists, steals at block shots habang ang kakamping si Luol Deng ay nakagawa ng 19 pts. 4 boards at three assists.

“We know we still have a long way to go,” saad ni Deng. “We’ve got a great team. We’ve got guys who come off the bench and do a good job of carrying us. We’re a deep team and we just have to keep on playing.”

Nadepensahan ni Rose ang point guard ng Nets na si Deron Williams kung saan ay limang puntos lamang ang nabuslo ng huli.

“We could have played a lot better and shot a lot better, 35 percent from the field is tough to win,” paliwanag ni Williams. “But they’re a good defensive team. That’s what they pride themselves on.”

Si center Brook Lopez ang bumira ng malaking puntos para sa Nets.

Umiskor si Lopez ng 22, walong rebounds at dalawang assists habang tig 13 pts. ang inambag nina Kris Humphries at Sasha Vujacic.

Samantala, tinalo ng New York Knicks ang Memphis Grizzlies, 120-99 at habang isinusulat ang istoryang ito ay lamang ang Portland Trail Blazers sa Cleveland Cavaliers, 89-45 papasok ng huling canto. Elech Dawa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply