Tourist guide ginahasa ng pulis sa loob ng istasyon

ISANG tourist guide ang ginahasa ng lasing na pulis sa loob ng Quezon City Police District (QCPD) Station 12 habang nasa kasarapan ng tulog.

Kasalukuyang pinaghahanap ang suspek na si PO1 Rodrigo Bajog. ANg biktima na tubong Zamboanga City ay itinago sa pangalang “Mae.”

Nakulong ang biktima sa nasabing istatsyon ng pulis dahil sa kasong estafa matapos kulangin sa pangbayad sa sinakyang taxi.

Naganap ang panggagahasa sa pagitan ng alas-10:00 ng gabi at alas-6:00 ng umaga sa loob ng conference room ng nasabing istasyon.

Base sa ulat ng pulisya, habang nasa kasarapan ng tulog ang biktima sa loob ng selda ng police station ay biglang pumasok ang suspek at tinutukan ng baril ang biktima at hinatak palabas ng selda papunta sa loob ng conference room.

Hindi na nagawang manlaban ng biktima dahil sa takot.

Sa sinumpaang salaysay ng biktima kinausap siya at inalok ng hepe ng Police Station 12 na si Police Chief Pedro Sanchez ng P20,000 at pamasahe pabalik ng Zamboanga kapalit ng pananahimik dahil ayaw nitong masira ang kanyang imahe bilang hepe ng nasabing istasyon. R.A. Marquez

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply