Tourist guide ginahasa sa loob ng QCPD station

ISANG tourist guide ang nagpasaklolo sa awtoridad makaraang gahasain umano sa loob mismo ng QCPD Police Station 12 sa Quezon City, iniulat ng pulisya.

Itinago ang biktima sa pangalang “MAE” nasa hustong edad, isang tourist guide at residente sa Zamboanga City.

Kinilala naman ang suspek na si QCPD police PO1 Rodrigo Bajog, kasalukuyang pinaghahanap na ng awtoridad.

Ayon sa imbestigasyon, nakulong ang biktima sa nasabing estasyon dahil sa kasong estafa matapos kulangin sa pambayad ng sinakyang taxi.

Lasing umano ang suspek nang dalhin ang biktima mula sa kanyang selsa sa conference room ng istasyon alas-10 ng gabi.

Nanlaban ang biktima pero tinutukan aniya siya ng baril ng pulis.

Base pa sa sinumpaang salaysay ng biktima, kinausap siya at inoperan ng hepe ng Police Station 12 na si Police Chief Pedro Sanchez ng P20,000 at pamasahe pabalik ng Zamboanga basta manahimik na lamang.

Patuloy na pinaghahanap ng awtoridad ang suspek na basta na lamang nawala matapos ang insidente. Robert Anthony Marquez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply