Tow truck panibagong modus ng carnap gang

NAGBABALA ngayon ang awtoridad hinggil sa modus operandi ng mga karnaper na gumagamit ng towing truck para makapagnakaw ng sasakyan sa Metro Manila.

Ang modus operandi ay nabuko makaraang dumagsa ang natatanggap na reklamo kaugnay sa nawawalang mga sasakyan na nakaparada sa kalye sa Pasay City.

Nauna rito, nakatatangap ng sunod-sunod na reklamo ang tanggapan ng anti-carnapping unit sa Pasay City police kaugnay sa misteryosong pagkawala ng mga sasakyan na puwersahang hinahatak ng isang tow truck na hindi rehistrado sa lungsod.

Dahil dito nagsagawa ng masusing magmamanman at operasyon laban sa pagnanakaw ng sasakyan ang naturang ahesya kabilang ang tauhan ng Pasay City Traffic and Parking Bureau.

Ayon kina Ronnie Paragas at Edilberto Panuelos, kapwa ng Traffic Action Unit, tanging ang Southern Crescent Towing Services ang accredited para manghila ng sasakyan na iligal na nakaparada sa lansangan.

Sa pagmamasid, isang towing truck na kulay puti (SMD towing service) ang namataan sa Domestic Road, Pasay City na may limang crew na nagmamasid at namimili ng sasakyang kanilang hahatakin.

Ilan oras ang nakalipas, nakita nina Panuelos at Paragas na may hila-hila ang tow truck ng isang kotse na patungong Roxas Blvd.

Dahil wala itong pahintulot na manghatak ng sasakyan sa lungsod, agad itong hinarang ng dalawang traffic enforcer.

Sa puntong ito, nagtakbuhan ang mga crew at natuklasan na kinuha ang bagong Toyota Corolla na nakaparada sa tapat ng isang gusali sa Airport Road.

Isa sa limang crew na kinilalang si Vicente Vilazonda, 28, residente ng Blk. 21 Lot 13, Dansalan St., Mandaluyong City, ang nadakip at sinampahan ng kaukulang kaso.

Dahil dito nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang awtoridad upang alamin kung may saan dinadala ang mga hinahatak na sasakyan pati na ang kaugnayan sa carnaping syndicate ng SMD Towing Service.

Nanawagan din ang awtoridad sa mga may-ari ng sasakyan na ipagbigay-alam sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya sakaling makita sa lugar ang SMD towing services na iligal na nanghahatak ng sasakyan sa Pasay City. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply