Trabaho agad sa 33 TESDA training graduates sa Taguig

MAY trabahong naghihintay sa 33 katao mula sa Taguig City na sumailalim at nagtapos ng carpentry at masonry training kailan lamang.

Siniguro ni Manuel A. Blas II, Managing Director ng Fort Bonifacio Development Foundation, Inc., na ang mga kuwalipikadong gradutes ay agad na tatanggapin ng mga katuwang nilang kontratista na may mga
proyekto sa Bonifacio Global City.

Bakas naman ang kasiyahan kay Taguig City Mayor Lani Cayetano na personal na dumalo sa simpleng graduation ceremony na ginanap sa Sitio 3, Barangay Fort Bonifacio noong Marso 4.

Ang pagsasanay ay ginabayan ng National Certification Program for Carpentry and Masonry mula sa Technology Education & Skills Development Authority (TESDA).

“Ito po ay simbolo ng bayanihan na ating nakamit sa ating komunidad at isang hamon po ito sa mga graduates natin ngayon huwag sayangin ang magandang oportunidad na ipinagkaloob sa atin ng FBDC at Ayala Land,” sinabi ng alkalde.

Matapos ang graduation ceremony, nagkaroon ng turn-over ng multi-purpose facility kay Barangay Captain Linoi Cayetano na isinaayos at pinaganda ng mga trainees sa panahon ng kanilang pagsasanay. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply