Trak nahulog, 5 dedo

LIMA ang kumpirmadong namatay matapos mahulog sa isang bangin ang isang dump truck na patungong Benguet.

Nabatid na binabagtas ng dumptruck ang daan sa Kayapa, Nueva Vizcaya madaling araw ng Miyerkules, Marso 16 ng mawalan ito ng preno at tuluyang nahulog sa bangin na may taas na 10-15 metro, ayon kay S/Insp. Joeoffry Bulong, hepe ng Kayapa Police Station.

Puno ang truck na may plakang UTP 733 ng waste material mula sa isang minahan at dadalhin sana sa Benguet.

Apat na lalaki at isang babae ang nasawi sa aksidente at kasalukuyang inaalam ang mga pangalan ng mga biktima ng kapulisan ng Kapaya. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply